(032) 487 - 8170 info@scc.edu.ph

Noong ika-26 ng Agosto taong 2016 ay ipinagdiriwang ang paghahantong ng Buwan ng Wika na ang tema ay “Filipino: Wika ng Karunungan” bilang paggunita o pagpupugay kay Manuel L. Quezon.  Siya ay tinaguriang “ Ama ng Wikang Pilipino” at ang unang pangulo ng Commonwealth sa Pilipinas.

Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain  tulad ng madulang sabayang pagbibigkas, dula-dulaan, tula, awit, sayawit, at pagsulat ng sanaysay.  Ang mga gawaing ito ay nilahokan ng lahat ng mag-aaral mula sa Kindergarten, Elementarya, Sekondarya at maging sa Kolehiyo upang maging matagumpay ang nasabing pagdiriwang na naglalayon ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magbubuklod sa lahat ng mga mamamayan o tao saan mang dako sa mundo.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa ipinagkaloob niyang biyaya sa atin at naging matagumpay ang pagdiriwang.